Inihayag ng Malacañang na ilan sa mga hamon at isyung kakaharapin ng susunod na administrasyon ang Covid-19 response maging ang tuloy-tuloy na anti-drug at anti-terrorism efforts ng pamahalaan.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, inadopt ng kasalukuyang administrasyon ang 10-point policy agenda sa pamamagitan ng Executive Order 166.

Aniya nakatulong ito na ma-sustain ang recovery ng ekonomiya ng bansa mula sa patuloy na laban sa Covid-19 pandemic.
Samantala, magtatapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-30 ng Hunyo ngayong taon.
|| ARGIE ERGINA