Bigas, may taas-presyo din dahil sa oil price hike

Inihayag ni Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo na tumaas ng P2 per kilo ang presyo ng bigas dahil sa patuloy na oil price hike sa bansa.

Pumalo sa P50 bawat bag ang taas-presyo sa bigas noong unang tumaas ang presyo ng langis dahil sa transportation expenses.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ayon kay Estavillo, isang epekto din umano ito ng talamak na agricultural products smuggling sa Pilipinas maging sa rice importation.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Samantala, umabot na sa P40 kada kilo ang dating P38 per kilo na bigas habang nasa P37 hanggang P38 naman bigas na iba ang kalidad kung saan malayo sa dating quality nito. || ARGIE ERGINA