Grupo para sa Elekyson 2022, nangangailangan ng mas maraming volunteers

Nanawagan ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga volunteers na tulungan sila sa pag-monitor para sa Eleksyon 2022.

Ang naturang grupo ay accredited ng Commission on Elections (Comelec) kung saan nangangailangan ng mga magsisilbing poll watchers, voter’s assistance desk staff at encoders.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Ayon kay PPCRV Legal Counsel and Spokesperson Atty. Van dela Cruz, magsasagawa din sila ng trainings para sa kanilang target na 5,000 volunteers katulad ng paglaban sa misinformation o disinformation.

Read More:  Marcoleta transferred to Quezon City Jail after hospital clearance

Samantala, maaaring bumisita ang mga gustong maging PPCRV volunteer sa kanilang pinakamalapit na parokya o pwedeng i-check ang kanilang website na ppcrv.org o ivolunteer.com.ph. || ARGIE ERGINA