Iginiit ng Malacañang kahapon na alam ni dating Department of National Defense (DND) officer-in-charge Jose Faustino Jr .ang biglaang pagbabago sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ito ay dahil sinabi ni Faustino, sa isang hiwalay na pahayag, na siya ay nagbitiw sa kanyang puwesto noong nakaraang linggo matapos malaman lamang umano sa mga balita at social media na isang bagong pinuno sa AFP ang nanumpa sa Malacañang.
Binigyang-diin ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil na may prerogative si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtalaga ng military chief ng Pilipinas.
Matatandaang itinalaga ni Marcos si Gen. Andres Centino bilang AFP Chief of Staff pinalitan niya si Lieutenant General Bartolome Bacarro, na nagsilbi lamang ng halos limang buwan.