Na-promote ang nasa mahigit 600 na mga kapulisan sa buong lalawigan ng Batangas.
Ayon sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), nasa 13 ang promoted bilang Police Major, 42 bilang Police Captain, 21 ang Police Executive Master Sergeant, 54 ang Police Chief Master Sergeant, 44 ang Police Senior Master Sergeant, 46 ang Police Master Sergeant, 237 ang Police Staff Sergeant, habang 240 ang promoted bilang Police Corporal na sa kabuuan ay umaabot sa 697 police personnel.
Pinangunahan ni Batangas Provincial Director, Police Colonel Pedro D. Soliba ang simultaneous oath taking, donning at pinning ng mga na-promote na pulis sa Camp General Miguel C. Malvar, Kumintang Ilaya, Batangas City kahapon, Enero 10, 2023.
Ang naturang promosyon ay batay sa kinakailangang Time-In-Grade, Schoolings, at iba pang mga requirements na nakompleto ng isang pulis.
Sa kanyang pananalita, binigyang-diin ni Col. Soliba na ang mga na-promote na pulis ay well-deserved sa natanggap na promosyon.
Inaasahan niya ang mga ito na mas maging matalino, mas mature at mas maging responsable sa kanilang mga trabaho.
Kaugnay nito ay nananawagan si Soliba sa mga promotees na panatilihin ang suporta internal cleansing ng PNP at magbigay ng serbisyo sa komunidad na mayroong malinis na reputasyon.
Kaakibat ng promosyon ang karagdagang sahod ng mga ito.