Phytosanitary inspection sa mga nakumpiskang smuggled onions, ipinag-utos na

Iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon ang phytosanitary inspection ng mga smuggled na sibuyas upang matiyak na ligtas na gamitin bago ito ilabas sa merkado.

Iginiit pa ng Pangulo ang pangangailangang mag-tap ng third-party inspector para magsagawa ng phytosanitary inspections para suriin ang mga transboundary disease.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Sinabi ni Marcos na ilan sa mga nakumpiskang sibuyas ay hindi angkop para sa human consumption batay sa mga nakaraang inspeksyon.

Read More:  Sen. Padilla says constitutional loyalty is also ‘wanted’

Matatandaang, binigyan na ng Department of Agriculture ng green light ang pag-aangkat ng 21,060 metric tons ng sibuyas upang punan ang kakulangan sa suplay at mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado.