Kabuuang kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte sumampa na sa mahigit 1 libo matapos na maitala ang 22 panibagong kaso kahapon

CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 1,021 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines norte sa ulat ng Department of Health Bicol kahapon.

Ito ay matapos na makapagtala muli ng 22 panibagong kaso mula sa 5 bayan sa lalawigan

Naitala ang 14 na kaso mula sa bayan ng Daet, 3 mula sa bayan ng Jose Panganiban habang tig- dalawang kaso ang nagmula sa bayan ng Basud at Labo at 1 kaso ang naitala sa bayan ng Paracale

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sumatotal. Sumampa na sa 402 ang aktibong kaso, 587 na nakarekober mula sa sakit at 32 ang naitala ng pagkasawi

Nito lamang nakaraang lunes sa isinagawang flag raising ceremony sa Kapitolyo Probinsyal ay personal na nanawagan si Governor Edgardo Tallado sa mga kawani at lahat ng mga mamayan ng Camarines Norte na sumunod sa minimum health standards na ipinatutupad ng IATF

Kasabay nito ay tiniyak din ng Gobernador na gumagawa na ng paraan ang kanilang tanggapan upang mapunan ang kakulangan ng supply ng bakuna

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa kabila anya ito ng nakarating na ulat sa kanyang tanggapan na ang Camarines Norte sa buong Bicol Region ang Last Priority ng Department of Health sa Supply ng Covid Vaccine