Pinuri ni Japanese Prime Minister Suga Yoshihide ang pagsusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2016 Arbitral Ruling na pumabor sa Pilipinas sa 75th session ng United Nations General Assembly.
Inihayag ito ni Suga sa 20-minuto na pakikipag-usap nito sa Pangulo sa telepono noong Miyerkules.
Iginiit naman ng Pangulo na kailangan ng mga bansa ng kooperasyon sa pagsusulong ng maritime domain awarenes, maritime security and safety, freedom of navigation and overflight, at maritime connectivity and commerce.

Kaugnay nito ay nangako naman ang parehong lider na titiyakin ng Pilipinas at Japan ang seguridad at stability sa rehiyon sa ilalim ng rule of law.
Binigyang diin ng Pangulo na para mabantayan ang lugar mula sa pamimirata, terorismo, at iba pang transnational crimes, ay mahalaga ang pagpapatuloy ng kooperasyon sa Sulu at Celebes Sea.