Panukala na magtataas sa gastos ng kandidato sa pangangampanya, kinwestyon

Kinwestyon ng ilang senador ang panukala na nag-ootorisa sa mas mataas na gastos ng mga kandidato at political parties sa kanilang election campaigns.

Nitong Miyerkules ng gabi, ay pansamantalang itinigil ng Senado ang mga diskusyon kaugnay sa Senate Bill 810 o ang “An Act Increasing the Authorized Expense of Candidates and Political Parties” upang mabigyan ang mga senador ng sapat na oras para aralin ang panukala.

Sinabi ni Senator Richard Gordon na dapat ay sumailalim sa mas mahabang deliberasyon ang panukala dahil hindi pa nagkakasundo ang mga senador sa halaga na pwedeng gastusin ng mga kandidato kada botante.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ipinunto rin ni Gordon na karamihan sa mga senador ay aminado na mas mataas ang ginagastos nila kumpara sa pinapayagan na halaga kada botante na dahilan para makuwestyon ang importansya ng pagpasa sa nasabing panukala.

Iginiit ni Gordon na ang problema ay ang enforcement dahil wala naman ang nakukulong sa batas na ito.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Aamyendahan ng panukala ang Republic Act No. 7166 o “An Act Providing for Synchronized National and Local Election and for Electoral Reforms” na sumasaklaw sa election spending.

Layon ng panukala na taasan ang allowable campaign spending ng presidential at vice presidential candidates hanggang P50 kada botante mula sa kasalukuyang P10.

Sa ilalim rin ng panukala, ay papayagan ang mga independent candidates na gumastos ng hanggang P30, habang ang political parties naman ay pwedeng maglaan ng P30 kada botante, mula sa kasalukuayang P5.