Pinasinayaan na ng Castillejos Water District katuwang ang lokal na pamahalaan ng Castillejos ang lugar na pagtatayuan ng kauna-unahang water treatment facility sa bayan.
Ito ay bilang hudyat sa pagsisimula ng konstruksyon ng pasilidad para mas maging malinis pa ang tubig.
Ang water treatment facilty ay kauna-unahang maitatayo sa boung lalawigan ng Zambales.
Ayon kay General Manager Engr. Jesse Gallardo, malaki ang maitutulong ng bagong treatment facilty.
Samantala, ang pasilidad ay pinondohan ng 100-milyon piso sa tulong ng Zambales 1st Congressional District Office at inaasahang maitatayo bago matapos ang taong 2024.//Jeff Valdez-BNFM OLONGAPO