Welcome sa Department of Health (DOH) ang isinusulong na imbestigasyon ng ilang mambabatas sa sinasabing “secret anti-vaccination campaign” ng US.
Ito ay kasunod ng paghahain nina Senadora Imee Marcos at ng Makabayan bloc ng resolusyon matapos mabahala sa kampanya ng Estados Unidos na layon umanong siraan ang China partikular ang Sinovac vaccines laban sa COVID-19.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay DOH Spokesperson Asec. Albert Domingo, sinabi nitong wala namang panganib na dulot sa bakuna ng China.
Bagaman walang problema sa Sinovac vaccine, iginiit ni Domingo na mahalagang imbestigahan pa rin ang issue kaugnay ang foreign relations.
Sa huli, tiniyak ng DOH na walang dapat ikabahala ang mga taong nabakunahan ng Sinovac vaccine laban sa COVID-19.