Pagtatayo ng crematorium sa lalawigan ng Camarines Norte napapanahon

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Provincial Health Office (PHO) na napapanahon lalo na ngayong may kinakaharap na pandemya ang pagkakaroon ng crematorium sa lalawigan ng Camarines Norte.

Sa 461st operation Period briefing ng Incident Management Team nitong Biyernes, ipinaalam ni Provincial Sanitary Inspector Benjie Palma na may interesadong magtayo ng crematorium sa lalawigan.

Gayunman kailangan umanong makapasa sa mga panuntunan at kaukulang batas bago ito payagan.

Dahil walang crematorium sa lalawigan, ibinabalot sa cadaver bag ang bangkay at kailangang ilibing ito sa loob ng labingdalawang oras alinsunod sa panuntunan ng Department of Health (DOH) para sa management of the dead.

Ayon kay Palma, maraming pagkakataon na humihiling sa kaniya ang pamilya ng ilan sa mga namatay para madala sa crematorium sa Camarines Sur ang yumaong mahal sa buhay pero hindi umano ito pinapayagan.

Paliwanag ni Palma alinsunod sa Presidential Decree 856 o Sanitation Code of the Philippines, hindi pinahihintulutang i- biyahe sa ibang lalawigan ang bangkay kung ang naging sanhi ng kamatayan ay communicable disease lalo na kung COVID- 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *