Pagtanggap ng mga aplikasyon para sa Educational Assistance muling bubuksan ng DSWD Bicol sa sandaling malinis na ang listahan

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)- Bicol na pansamantala lang ang pagsasara ng aplikasyon para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS)- Educational Assistance.

Kasunod ito ng anunsiyo ng ahensiya na hanggang hatinggabi na lang  noong Martes, Agosto 30 ang pagtanggap ng aplikasyon upang i- rebyu ang mga request.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Marygizelle Mesa, Regional Information Officer ng DSWD Bicol ipinaliwanag nito na magsasagawa ang ahensiya ng cleanlisting para masiguro na walang duplication sa mga request.

Sa kasalukuyan ay mayroong 200, 543 requests ang natanggap ng DSWD Field Office V.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa sandaling matapos na umano ang cleanlisting ay muling bubuksan ang online application.

“Ito po ay temporarily lamang pong pagsasara ng linya ng application to give way para sa  pag cleanlisting, ngayon after po ng cleanlisting kasi marami pong duplicate for sure, so makikita natin kung kaya pa nating mag- accommodate that’s the time po ire-reopen natin yung online application,” ani Mesa

“Sigurado po kami almost one hundred percent sure tayo na itong two hundred thousand plus na ito ay hindi pa ito ang figure kasi madaming duplicates nito, ang iba po kasi by nature kahit nakapag walk- in na nag online pa din, yung iba kahit hindi qualified ay nag online application pa din, so yan po ang ating maki-  clean list matatapyas po yan sa figure nayan at titingnan natin kasi siyempre we work within our budget kasi ano tayo eh hanggang may pondo naman tayo at kayang i- finance pa ang ating online applications ay i- aacomodate natin sila.”

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon pa kay Mesa, gagawin nila ang lahat para makahirit ng pondo sa kanilang Central Office pero subject umano ito sa availability of fund.

Batay sa datos ng ahensiya nasa 9, 278 na ang nabigyan ng educational assistance sa buong Bicol Region sa nakalipas na dalawang Sabado at 2, 195 dito ay sa Camarines Norte.