CAMARINES NORTE- Walang transaksyon sa opisina ng Social Security System (SSS)- Daet Branch nitong Martes, Agosto 30 dahil sa temporary downtime ng online channels na epekto ng nangyaring sunog sa UPS room ng kanilang main office noong Linggo.
Kaya naman ang dating opisina na hindi nawawalan ng tao ay bakante ang mga upuan at walang pila sa labas.
Tanging mga empleado lamang ang nasa loob na ginagawa ang ibang Gawain habang down ang kanilang online channels.
Ayon kay SSS- Daet Branch Head Ermina Maria Robredo nagkaroon ng emergency meeting ang mga opisyal ng SSS upang matugunan ang problema at sumasailalim sila ngayon sa pagsasaayos ng system.
Aniya karamihan sa kanilang mga transaksyon s angayon ay computerized na dahil sa digitalization ng opisina.
“Mostly of transacting members na dumating kanina ay puro computer base so they were advise po mag- antabay lang nang kung kailan kami mao- online, ani Robredo.
Mababatid na batay sa statement ng ahensiya naging “temporarily unavailable” ang online channels ng SSS kasama ang website nito na www.sss.gov.ph, SSS Mobile App, at uSSap portal.
Sumasailalim ngayon ang opisina sa servers testing bilang paghahanda sa pagpapatuloy ng operasyon sa kanilang Main data Center.
Sa kabila nito tiniyak ng SSS na secure ang data ng lahat ng kanilang mga miyembro.
