P680k shabu narekober sa isang drug personality sa Pilar, Sorsogon

SORSOGON CITY–Umaabot sa 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000 ang narekober ng mga awtoridad sa isang drug personality sa Pilar, Sorsogon kahapon.

Nakilala ang suspek na si John Paul Estropia a.k.a. “Paul”, 31 anyos, residente ng Brgy Tabi, sa bayan ng Gubat, parehong lalawigan. Ang nasabing suspek ay dati nang nasangkot sa iligal na mga gawain at nakalista bilang PWUD o person who use drugs.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Nadakip ito dakong alas 5:35 ng umaga kahapon sa Barangay Putiao sa bayan ng Pilar ng pinagsanib na pwersa ng iba’t-ibang unit ng PNP Regional Office 5, Sorsogon PPO, Pilar MPS, PDEA at Philippine Army.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Ayon sa PNP, ito ay patunay ng tuloy-tuloy na commitment ng kanilang hanay upang labanan at linisin ang rehiyon laban sa iligal na droga para sa mas ligtas na komunidad.#