BNFM BICOL—Inihayag ni Albay Provincial Jail Warden Ret. Col. Jose Capinpin, na mananatiling limitado ang kanilang pagtanggap ng dalaw sa Albay Provincial Jail bilang bahagi pa rin ng pag-iingat kontra COVID-19.
Ayon sa opisyal, tuwing mga araw lamang ng Martes at Huwebes tatanggap ng bisita para sa mga PDL ang nasabing bilangguan habang magtatagal lamang ito mula ala-una hanggang alas kwatro ng hapon.
Tanging 15 mga indibidwal lang din ang papapasukin at i a-accommodate para sa ‘face to face non-contact visitation’ ngunit mahigpit na ipinagbabawal ang walk-in kung kaya’t required na magpa schedule ang mga ito bago pahintulutang makabisita.
Sakabila nito, ikinagagalak aniya ng mga otoridad sa naturang tanggapan na kahit papaano ay unti-unti nang nakakabalik sa normal ang dating sistema ng pagbisita ng mga kaanak ng PDL sa naturang provincial jail.###