Health Protocols kinakailangan sundin ayon sa alkalde ng bayan ng Capalonga, Camarines Norte dahil sa gaganaping taunang panata kay Poong Nazareno

DAET – Nagpatawag ng agarang pagpupulong ang alkalde ng bayan ng Capalonga na si Mayor Luz E. Ricasio tungkol sa paghahanda para sa darating na Taunang Panata kay Poong Nazareno na idinadaos tuwing Mayo 12-13.

Dumalo sa nasabing pagpupulong ang mga Kawani ng Munisipalidad, Office of the Mayor, MDRRMO, Engineering, Budget, Accounting, Treasury Office, Human Resource, Tourism, PNP, Mobile Force, BFP, at ang Opisina ng Parokya ni Santa Lucia.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Napag-usapan dito kung paano magiging maayos, mabilis at ligtas ang daloy ng trapiko para sa mga Parokyano at sa mga nagbabakasyon, ang tamang  lugar para sa mga Magtitinda at sasakyan at ang patuloy na implementasyon ng Minimum Public Health Protocols sa panahon ng Pandemya na kung saan nasa Alert Level 2 pa rin ang Probinsiya ng Camarines Norte.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Samantala, Hinihikayat ang patuloy na pakikiisa ng bawat isa para sa tuloy-tuloy na pagiging ligtas ng Bayan ng Capalonga sa Covid-19.