BNFM BICOL— Patuloy ang paghahanda ng Department of Tourism – Bicol para sa isasagawang 9th Regional Travel Fair ngayong darating na April 28 hanggang May 1, 2022.
Ayon kay Mavic Sevilla, – Tourism Promotion Board Market Specialist ng DOT-Bicol, tampok sa naturang aktibidad ang tourism webinars; pagtalakay ng mga usapin hinggil sa mga sellers at buyers at maging ang pagpapakilala sa merkado ng iba’t-ibang mga produkto.
Ngayong taon, idaraos ang Regional Travel Fair sa lalawigan ng Sorsogon, kung saan inaasahang makikilahok ang iba’t-ibang tourism stakeholders mula sa iba’t-ibang panig ng rehiyon.
Kaugnay nito, bilang pagtalima sa mga umiiral na COVID-19 health protocols, tanging ang mga bakunadong indibidwal lamang ang pahihintulutang makilahok sa mga programa habang RT-PCR test result naman ang hihinging requirement para sa mga unvaccinated individuals.###