Naniniwala ang Department of Health na ang pagluluwag at paglift sa quarantine classifications sa bansa, at pagpapaubaya ng desisyon sa mga local officials ay isang “long term goal” ng national government, pero malabo pang mangyari sa ngayon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang naturang hakbang ay tinatalakay at pinag-aaral na, pero hindi agad-agad mangyayari.
Dagdag ni Vergeire, kailangang may ilatag na safeguards sakaling payagan ang mga local government units na mag-manage sa quarantine protocols sa kanilang mga lokaliddad para maiwasan ang banta ng COVID-19 transmission.
Ang pahayag ng DOH ay matapos sabihin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na target ng national government na tanggalin ang quarantine classifications, kaya kailangan maging handa ang mga local chief executives sa kanilang sariling COVID-19 response measures. // MHEL PACIA-TRINIDAD