Pagsisiuwian ng mga pasahero kasabay ng long weekend, naging maayos umano ayon sa DOTr

Ibinahagi ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista na maayos ang movement ng mga pasahero kasabay ng pagsisiuwian ng publiko sa mga probinsya para sa long weekend.

Ayon kay Bautista naging maayos din ang takbo ng transportasyon kahapon.

Read More:  1 in 4 vehicles sold in the Philippines were electric vehicles in 2026

Mayroon din aniyang preparasyon ang lahat ng ahensya sa mga paliparan, upang matugunan din ang dagsa ng mga sasakay ng eroplano.

Kaugnay nito, sinabihan din ng opisyal ang mga airports na huwag mag-overbook, dahil isa lamang itong international practice.

Read More:  LPG prices may still rise despite excise tax suspension

Mababatid na simula kahapon ay nagsimula na ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal, kaya asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko ngayon at sa mga susunod na araw.