Pagsasaayos sa mass transit, isa sa nakikitang solusyon ni Pangulong Marcos sa trapiko

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na hindi masosolusyunan ang trapiko sa Metro Manila kung hindi maaayos ang mass transit system.

Sa Bagong Pilipinas town hall meeting patungkol sa traffic concerns kaninang umaga, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng mass transit system upang maibsan ang traffic congestion sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Kaya naman minamadali at naka tutok ang pamahalaan sa pagsasaayos ng mga imprastraktura, tulad ng paglalagay ng mga subway at iba pang railway project.

Layunin nila na malipat ang pagbyahe ng mga commuter, sa halip na sumakay ng tricycle, bus, jeep o sa sarili nilang sasakyan, pipiliin na nilang sumakay sa mass transit system.

Inihalintulad ng Pangulo ang mga mayayaman at malalaking syudad tulad ng New York at London na mas tinatangkilik ang mga tren.
Ibinahagi rin ni Marcos sa traffic summit ang update sa mga on-going construction ng railway project.

Anya nasa 61% complete na ang North-South Commuter Railway Project na Tutuban hanggang Malolos.

56.6% naman sa North-South Commuter Railway Extension Project na Malolos to Clark, at 38% naman ang Manila to Calamba.

Ang Metro Manila Subway Project ay nasa 41% complete, 80% ang LRT line 1 Cavite Extension, 85% naman ang MRT line 3 Rehabilitation and Maintenance; ang Unified Grand Central Station ay nasa 83%, habang 67% naman ang MRT Line Quezon city hanggang Malolos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *