Pasok sa trabaho ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila, ia-adjust sa 7AM-4PM

Naglabas na ng resolusyon ang Metropolitan Manila Development Authority para sa adjustment ng working hours sa lahat ng Local Goverment Units sa NCR.

Mula sa dating alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon ay magiging alas siyete na ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon ang working hours ng mga empleyado ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila

Ipinasa ang resolusyon dahil isa itong tugon sa matinding trapiko sa Metro Manila at para na rin maibsan ang nararanasang kalbaryo ng mga komyuter tuwing rush hour.

Dahil dito, inaatasan ang mga chief executives ng mga LGUs sa na mahigpit na ipatupad ang prescribed working schedule.

Hinihikayat din ang mga national government agencies na matatagpuan sa NCR na iadopt na rin ang bagong working hours.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *