Pagpupulong tungkol sa ALBAYanihan policy support, matagumpay na naisagawa sa lungsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Matagumpay na naisagawa ang isang Small Group Discussion o pagpupulong tungkol sa ALBAYanihan Policy Support and Enterprise Risk Management for Economic Resilience sa lungsod ng Legazpi.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng National Resilience Council (NRC) at Philippine Business for Social Progress (PBSP) sa pakikipagtulungan sa United Nations Development Programme (UNDP) Shield Program.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dumalo sa nasabing pagpupulpng ang ilang Technical Working Group at ilang mga mahahalagang department head ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay (PGA), kung saan ito ay ginanap sa Hotel Venezia, Legazpi City.

Layunin ng aktibidad na talakayin ang mga kasunduan mula sa kamakailang mga pagpupulong sa pag-update, tukuyin, at i-aydentipika ang local policy support para ss ALBAYanihan sa lalawigan ng Albay, kung saan ito ay bukas sa new council, committee, network, o sa pagpapahusay pa ng mga existing organization sa lalawigan.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Bukod pa rito, ang sesyon ay naglalayong magkasundo sa pagbuo, istruktura, at mga komite, partikular sa lalawigan ng Albay at tukuyin ang mga priyoridad para sa value-chain analysis (VCA).