Kauna-unahang gintong medalya sa larangan ng tennis tournament sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2024, nasungkit ng atleta mula sa lungsod ng Legazpi

LEGAZPI CITY – Nasungkit ng atleta mula sa lungsod ng Legazpi ang kauna-unahang gintong medalya sa larangan ng Tennis Tournament sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2024 sa Cebu City.

Ang nasabing manlalaro ay kinilalang si John Benedict Aguilar mula sa Saint Agnes Academy sa Legazpi City, Albay. Naging katunggali ni Aguilar si Lexious Gabriel Cruz mula sa Central Luzon sa iskor na 8-1 sa Gold Medal Match ng Boys Single Tournament na ginanap sa CitiGreen Tennis Court.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase
Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Nakuha ni Aguilar ang kampeonato sa kaniyang ika-pitong tapak sa nasabing palaro, kung saan ayon sa Department of Education (DepEd) Bicol, sa kabila umano ng hindi magandang pakiramdam ng bata sa mismong araw ng championship ay nasungkit pa rin nito ang gintong medalya.