Pagpasa ng Kamara sa panukalang mag-aamyenda RTL, welcome sa Bantay Bigas

Winelcome ng Bantay Bigas ang pagkakapasa sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara sa panukalang mag-aamyenda sa Rice Tarrification Law.

Sa ilalim nito, ibabalik na sa National Food Authority (NFA) ang price stabilization at supply regulation function sa bigas.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Bantay Bigas Spokesperson Cathy Estavillo, sinabi nitong matagal pa nilang ipinanawagan na maibalik ang mandato sa NFA na ma-regulate ang presyo ng natura agri-product.

Ayon kay Estavillo, kailangan talaga ang subsidized na presyo ng bigas.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Makatutulong kasi aniya ito upang mapababa ang bentahan ng naturang agri-product.

Sa huli, hiniling ni Estavillo na hindi man makamit ang ipinangakong P20 na kada-kilo ng bigas, sana man lang daw ay maibalik sa P27 na kada-kilo ang bigas.