Pagpapatupad ng ‘Vaxx Ops Center at Vaxx cluster’ sa Catanduanes, isinuhestiyon upang maiwasan ang siksikan at pagdagsa ng mga nais magpabakuna

BNFM BICOL—Isinuhestiyon ni Catanduanes PDRRMO Crisis Communication Cluster Head – Andro Facundo ang pagpapatupad, ng Vaccination Operation Center at Vaccination Cluster matapos ang nangyaring pagdagsa at siksikan kahapon ng daan-daang residente sa isang vaccination site sa bayan ng Virac, Catanduanes.

Ayon kay Facundo, dapat umanong paganahin ang mga nasabing estratehiya upang maiwasan ang mga katulad na insidente kung saan nailalagay sa alanganin ang kalusugan ng vaccination team at mga vaccinees dahil sa pagsisik-sikan at pagdagsa ng mga nais na magpabakuna.

Dagdag pa ng opisyal, tila hindi rin aniya katanggap-tanggap ang justification na Pfizer ang brand ng bakunang itinuturok sa mga residente, kung kaya’t dinumog ng maraming nais magpa bakuna ang vaccination site.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Giit ni Facundo, Pfizer man o ibang brand ng bakuna ang ituturok sa mga tao, mas maiiwasan ang mga tulad na insidente kung susunod at mag co-comply sa mandato na paganahin ang Vax Ops Center at Vax Clusters.

Matatandaan na kahapon, araw ng Martes, dinumog ng mga tao ang Regional Evacuation Center sa Brgy. San Isidro Village sa bayan ng Virac matapos umanong malaman na tumatanggap ng walk-ins vaccine applicant ang RHU at Pfizer COVID vaccine ang brand ng bakung itinuturok.

Naging sanhi ang insidente ng overcrowding, at hindi na rin nasunod ang physical distancing.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kasabay nang pag responde sa lugar ang pagbibigay linaw ng mga health authorities na tanging 500 slot lamang ang kanilang target na mabigyan ng bakuna kahapon at ang lahat umanong ito ay naka schedule, at mismong ang RHU ang tumawag at nag text sa mga ito bago pa ang vaccination date.

Pakiusap ng Virac- RHU sa mga residente, huwag munang magpunta sa vaccination site kung hindi naman kasali sa listahan ng mga naka schedule na bakunahan. Huwag rin umanong magmadali dahil marami pa ang bakuna at sundin na lamang ang proseso na ipinatutupad ng Rural Health Unit.###