21 karagdagang cell sites, nakatakdang itayo ng isang TELCO sa Catanduanes

BNFM BICOL—Nakatakdang magtayo ng 21 karagdagang macro cell site ang Smart Communications Inc. sa islang lalawigan ng Catanduanes.

Ito ay bilang tugon sa naging kahilingan ng Provincial Government mula sa nasabing Telco, na magtayo ng karagdagang cell sites sa lalawigan upang matugunan ang nagpapatuloy na online at distance learning ng mga estudyante sa isla.

Malaking tulong kasi umano ang pagpapalakas ng telecommunication at mobile internet services upang mas mapalakas ang internet access ng mga mag-aaral, habang hindi pa naibabalik ang face to face classes, lalo na ngayong patuloy pa rin ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa lugar.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Tatlo umano mula sa 21 macro cell site ang planong itayo sa tatlong barangay sa bayan ng Virac partikular sa mga barangay ng Talisoy, Balite at Sto. Domingo habang ang 13 naman ay itatayo sa mga bayan ng Bato; Pandan; Panganiban; Caramoran; Viga at Baras.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Kaugnay nito,tiniyak naman ng pamahalaang panlalawigan ang kanilang asistensya sa Smart sa gagawing pa-trabaho at pagtatayo rin nito ng karagdagang pasilidad sa Catanduanes.

Matatandaan na karamihan sa mga estudyante ng islang lalawigan ang kinakailangan pang umakyat ng bundok upang makasagap ng signal para sakanilang online classes.###