Pagpapataw ng ‘calibrated economic sanctions’ laban sa China – isinusulong ng ilang mambabatas

Kung si Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ang tatanungin – mas mabuti pang magpatupad na lang daw ang Pilipinas ng ‘calibreated economic sanctions’ laban sa China, kaysa naman ibuhos ang lahat ng mga ni-reallocate na confidential and intelligence funds sa mga security agencies na nakatutok at nagbabantay sa West Philippine Sea.

Sa isang panayam, sinabi ni Lagman na kahit na buhusan mo raw ng conidential funds ang mga ahensyang ito – ‘di naman niyan maiaalis ang mga ka-bully-hang ginagawa ng China lalo na’t patuloy nitong hindi kikilalanin ang 2016 arbitral ruling na kumakampi sa Pilipinas.

Sabi ng indepentent minority lawmaker – maaari raw gayahin ang naging sanctions ng ibang bansa gaya ng mga ipinatupad ng G7 countries.

Kung maaalala, una nang pinalutang ni Senate President Migz Zubiri ang mungkahing pagbo-boycott ng mga Chinese products, businesses, pati na rin ang mga contractor na kinukuha natin sa ating mga infrastructure projects.

Tinutulan naman ito ng mga ekonomista lalo na’t mas mabigat daw ang masamang epekto nito sa bansa – kung titimbangin at ikukumpara sa mga epekto nito sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *