Senate Committee on Health chair Sen. Bong Go, may paalala sa publiko sa gitna ng banta ng Nipah Virus

Idiniin ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang kahalagahan ng paghahanda laban sa iba’t ibang uri ng mga sakit.

Ito ay sa gitna ng banta ng Nipah virus sa ibang bansa.

Sabi ni Senator Go – dapat ay hindi pa rin nakalilimutan ng mga Pilipino ang mga hakbang para mapanatili ang kalusugan at kaligtasan sa ano mang mga panganib.

Dapat din daw ay palaging makinig sa mga eksperto, maghugas ng kamay, at magsuot ng face masks kung kinakailangan.

Dito sa Pilipinas – wala pa ring nade-detect na kaso nito, pero mayroon nang mga preventive measures na ipinatupad kagaya sa Cagayan de Oro kung saan ay nag-blended learning na sila dahil sa mga flu-like symptoms ng iilang estudyante roon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *