Mahigit P50-M naitalang pinsala sa sunog ng 3 bodega sa Valenzuela

Tinatayang aabot sa mahigit P50-M ang pinsala ng sumiklab na sunog sa tatlong bodega sa Valenzuela.

Hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring inaalam ng City Fire Station ng nasabing lunsod ang pinag-ugatan ng insidente habang anim na katao naman ang naitalang na­sugatan, kabilang ang limang bumbero.

Nabatid rin na may 783 na indibiduwal ang naapektuhan ng nasunog na Herco Trading noong Huwebes sa J. Molina St. Bagbaguin sa Valenzuela.

Sa ngayon, nananatili pa rin sa magkakahiwalay na evacuation center ang mga pamilyang apektado, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *