Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang PAGCOR na bigyan ng tig-isang milyon ang mga atletang nag qualify sa Olympics.
Sa kanyang talumpati sa dinner reception para sa mga atleta mula sa Paris Olympics, sinabi ng Pangulo na napakahirap na achievement para sa mga atleta ang makarating sa Olympics.
Kaya kahit hindi sila makapag uwi ng medalya, karangalan na rin na makaabot sila sa prestihiyosong palakasan.
Ang tig-iisang milyong na ibibigay ng PAGCOR ay tatapatan din ng isang milyon ng Office of the President, kaya sa kabuuan ay dalawang milyon ang posibleng makuha ng atleta.
Habang ang kanilang coaches naman ay bibigyan din ng 500 thousand pesos.
Humingi naman ng paumanhin ang Pangulo sa mga atleta dahil kung ikukumpara daw sa mga naging sakripisyo at hirap n pinagdaanan ng mga atleta ay maliit na halaga ang isang milyon.