NSC: Pagpapa-talsik sa officials ng Chinese embassy na sangkot sa pagpapakalat ng recording ng new model, napapanahon na

Naniniwala si National Security Council o NSC Asst. Director General Jonathan Malaya na panahon na para patalsikin sa bansa ang mga official ng Chinese Embassy sa Pilipinas na sangkot sa pagpapakalat ng recording ng new model sa pagitan umano ng China at ni WESCOM Commander Vice Admiral Alberto Carlos.

Sa Bagong Pilipinas Program, sinabi ni Malaya na naabot na ang sukdulan kung pag uusapan ang diplomatic practice ng mga opisyal ng China sa bansa.

Tahasang sinabi ni Malaya na nilalabag na ng mga Chinese envoy ang Vienna Convention on Diplomatic Relations, dahil sa pangingialam sa ating internal affairs.

Malinaw raw kasi na ang diplomat ay dapat sumunod sa batas ng Pilipinas, igalang ang Republika at hindi nangingialam sa internal affairs ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *