Midyear bonus ng mga kawani ng gobyerno, matatanggap na simula bukas

Kinumpirma ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na matatanggap na ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno ang kanilang mid-year bonus simula bukas, May 15.

Paalala pa ni Pangandaman sa mga opisina at ahensya ng gobyerno na tiyakin ang maagap at tamang oras na pagpapalabas ng bonus sa kanilang mga empleyado alinsunod sa umiiral na patakaran at regulasyon.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Ang mid-year bonus ay katumbas ng isang buwang basic pay ng mga kwalipikadong kawani ng gobyerno.

Ibinibigay ito sa mga karapat-dapat na mga kawani na nagtrabaho ng hindi bababa sa apat na buwan mula July 1 ng nakaraang taon hanggang Mayo 15 ng kasalukuyang taon.

Read More:  Ombudsman recommends plunder case vs Marcoleta

Ang alokasyon ng mid-year bonus para sa mga kawani sa mga lalawigan, lungsod, munisipalidad, at barangay ay itatalaga ng kanilang mga sanggunian.

Samantala ang midyear bonus ay ibinibigay sa mga civilian at sa mga uniformed personnel.