Pagpanaw ng BIFF Leader at Spokesperson nito hindi pa rin kumpirmado ayon sa Militar!

AMINADO ang militar na hanggang ngayon ay hindi pa nila makukumpirma kung gaano katotoo ang di-umanoy pagpanaw nina Commander Kagi Karialan kasama ang kanyang tagapagsalita na si Abu Jihad.

Read More:  2 Chinese nationals arrested in ₱1.5-M Cebu copper ore seizure

Sinabi ni 6th ID Spokesman Lt. Col. John Paul Baldomar na tanging sa social media lamang nila nalaman ang naturang impormasyon.

Anya, mayroong mga sinusundang proseso ang militar para makumpirma kung gaano katotoo ang ganitong mga impormasyon.

Read More:  7 drivers test positive in initial Bacolod drug screening

Una rito, kumalat sa social media ang pagpanaw ng dalawang mataas na pinuno ng grupo matapos maipit umano ang mga ito sa inilunsad na operasyon ng militar.