Pag-resume ng Face-to-face classes, tinanggihan muli ng Pangulo

Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi muna magkakaroon ng face-to-face classes hanggang hindi nababakunahan ang lahat ng tao sa bansa kontra COVID-19.

Sa weekly address ng Pangulo, ay sinabi niya kay Education Secretary Leonor Briones na hindi pa rin napapanahon na ibalik ang face-to-face classes.

Iginiit ng Pangulo na hindi niya maaring itaya ang kalusugan ng mga estudyante.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Mababatid na dapat ay ipepresenta ni Briones ang mga plano nito para sa muling pagbubukas ng face-to-face classes sa mga lugar na may mababang COVID-19 transmissions kung saan ay natukoy anya ng kaniya ang ahensya ang 1,900 paaralan para sa implementasyon ng trial.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Pero ayon sa kalihim, matapos niyang marinig ang mga payo ng doktor na naimbitahan sa meeting para pag-usapan ang Delta variant, ay sumasangayon na siya sa desisyon ng Punong Ehekutibo, at inaatras na ang kaniyang proposal.

Samantala, ibinalik naman ng Pangulo ang mandatory na paggamit ng face shield sa outdoor areas dahil sa pangamba nito na mas nakakahawa ang Delta variant na unang natuklasan sa India.