Pagkakaroon ng designated government psychologist, pyschiatrist sa mga susunod na pagdinig sa Senado – iminungkahi

Ikinabahala ni Senadora Nancy Binay ang paggamit ng ilang indibidwal sa mental health bilang rason upang makaiwas sa imbestigasyon o pagdinig ng Senado.

Kasunod ito sa naging pagsusumite ng ‘letter of explanation’ ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa nakaraang pagdinig na nagsasabing hindi siya physically at mentally fit kung kaya’t hindi siya makakadalo.

Alinsunod nito, upang maiwasan na maging precedent ito ay iminungkahi niya sa mga susunod na pagdinig na mag-designate ng mga government psychologist at maging psychiatrist upang patotohanan ang mga isinusumite medical reports at certifications ng mga resource speakers.

Anya, kung sakaling may malubhang kondisyon naman ang mga ito ay maaring irekomenda ng itinalagang medical professional na hindi ito ipatawag.

Matatandaan, una ng iminungkahi ni Senador JV Ejercito ang pagtatalaga ng mga ito sa pagdinig upang maiwasan ang pagte-take advantage ng iba sa paggamit ng mental health upang makaiwas sa pagharap sa Senado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *