Senate Majority Leader- pinata-track down ang chinese vessel na di umano’y nag-hit and run sa nawawalang mangingisda sa WPS

Mariing sinabi ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na tila naging ‘hit-and-run’ sa sariling karagatan ng bansa ang nangyaring insidente sa magkapatid na sina Jose at Robert MondeƱedo.

Kasunod ito sa pagsiwalat ni Tolentino sa publiko na binangga ng di umano’y malaking barko ng China ang bangka ng nasabing magkapatid na siyang naging dahilan naman ng paglubog nito.

Ngunit sa kabila nito, nanatili pa ring positibo ang senador sa kakayahan ng Philippine Coast Guard (PCG) na mahanap si Jose at mabigyan ng hustiya ang kanyang pagkawala.

Dagdag pa niya, marapat lang ding ma-track down na at mapanagot sa ilalim ng Philippine at international maritime law ang chinese vessel na nagngangalang ‘Yang Fu’ na bumangga kina Jose at Robert.

Sa kasalukuyan, tiniyak ng senador na nakausap na niya ang PCG at pinaiimbestigahan na niya sa mga ito ang naging insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *