CAMARINES NORTE – Nagbabala ang Provincial Health Office hinggil sa hindi magandang epekto sa kalusugan ng mga bata kapag hindi sila na- deworm.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Benjamin Palma, Program Coordinator para sa deworming, posibleng maging stunted o bansot ang bata dahil sa mga bulate sa katawan.
Nakikipag unahahan daw kasi ang mga bulate na kainin ang mga nutrients na kailangan ng katawan.
Aniya mahalaga ang deworming lalo’t madalas ay humahawak ng lupa ang mga bata.
May malalaking bulate umano na pwedeng makita pero marami ring klaseng bulate ang hindi nakikita at kailangan pang gamitan ng microscope.
Bukod sa pagkabansot, posibleng maging mahina rin ang mga bata sa eskwela dahil apektado ang cognitive function nito kung ang sustansyang kailangan para sa maayos na pag- function ng utak ay sinisipsip ng mga bulate
Kapag marami ring bulate sa katawan ay nagiging dahilan ito ng malnutrisyon at nagiging matamlay ang bata.
