Isa, patay sa pamamaril sa loob ng Katolikong simbahan sa Turkey

Nasawi ang isang indibidwal matapos magpaputok ng baril ang mga armadong lalaki sa loob ng Katolikong simbahan na Santa Maria Church sa Istanbul habang nagsasagawa ng misa.

Read More:  10 injured after car crashes into rugby supporters in Australia

Kinilala ang biktima na si Tuncer Cihan.

Matapos kondenahin nina Pope Francis at iba pang opisyal ng Turkey, inangkin ng isang Islamic State group ang pag-atake sa bansa.

Saad ng mga opisyal ng bansa na ito ay mukhang isang target na pag-atake laban sa isang tao lamang, sa halip na laban sa simbahang Katoliko.

Read More:  Russia rejects ceasefire call as Ukraine conflict escalates

Na-detain rin agad ng Turkish police ang dalawang suspek matapos tangkain nitong tumakas sa lugar.