Pagiging silted ng mga ilog, napuna ng Pangulo sa pag-iikot nito sa Ilocos

Nagsagawa ng aerial inspection si Pangulong Bongbong Marcos kanina sa Ilocos Norte upang tingnan ang lawak ng naging pinsala ng nagdaang Super typhoon Julian.

Sinundan ito ng situation briefing kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan pati na mga local government unit.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Isa sa napuna ng Pangulo sa pag iikot nito ay kung gaano ka silted ang mga ilog. Ito tuloy ang nakikita nyang rason kung bakit mabilis umapaw ang mga ilog noong kasagsagan ng bagyo na nagdulot ng malaking pinsala sa kanyang home province kabilang na ang nasirang Gabu dike.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Kaya naman susubukan daw ng Pangulo na makipag usap sa kung sinong pwedeng makatulong na malinis ang mga ilog.

Ayon naman kay DPWH Sectary Manuel Bonoan, kasama sa hinihingi nilang budget para sa 2025 ang pagbili ng mga dredging equipment.