Nais ng operator at may-ari ng bangka mula sa Occidental Mindoro na si Jeffrey Guansing na humingi ng paumanhin sa kanila ang ilang tauhan ng Coast Guard- Agutaya at pulis sa Palawan.
Labis-labis raw kasi ang ginawa ng mga ito matapos humingi ng mga isda ay kinuha pa raw ang krudo sa bangka na kanilang hinuli noong ika-31 ng Hulyo.
Nakapagtataka raw na ginawa pa iyon ng mga alagad ng batas sa kabila ng mataas na sinasahod.
“Kaya nga sir… nag multa nnga, lugi nayung byahe nayun, kinunan pa po ng isda at krudo, lalo nilang binaon ang bangka. Hindi din birong halaga po ang nakuha nila. Pero mas ang pinupunto ko po eh sana gawin lang nila yung kung anong mandato at legal. Wag nila gawing kalakaran ang mangotong.”
“PCG at mga sumamang MPS na sumampa ng bangka… 50kg daw po ay sa Pulis napunta, ayon sa mga tripulante ko…ang krudo nmn na 60L ay sa Coastguard po napunta at isda din po.”- sabi ni Jeffrey sa Brigada News FM Palawan