Wing van na may kargang 26 toneladang motorcycle parts, tumagilid

Kinumpirma ng mga otoridad na walang nasaktan matapos tumagilid ang isang wing van na may kargang 26 na toneladang motorcycle parts.

Nangyari ito sa kahabaan ng Sibulan, Negros Oriental umaga ng Martes, Agosto 13, 2024.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Bumigay kasi ang bahagi ng lupa kung saan ito nakaparada.

Napag-alaman na galing pa sa Cagayan De Oro ang nasabing wing van at ipinarada muna ito ng driver upang sanay mag-almusal.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Hindi naman tuluyang natumba ang truck dahil sa dalawang poste ng kuryente at kahoy.

Dahil sa insidente, nagdulot ng panandaliang abala sa daloy ng trapiko.