KORONADAL CITY- PLANO ngayon ng fashion designer na si Ivan Raborar na gumawa ng replicas ng Dreamweavers Parol ng South Cotabato na idineklarang grand winner sa National Parol Making Competition sa Malacañang noong Sabado ng gabi na pinangunahan mismo ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Raborar na marami nang nagtatanong at gustong umorder sa kanya ng naturang parol, kung kayat gagawa na lamang umano ito ng replicas.
Ang orihinial at official entry na Dreamweavers Parol ay kasalukuyang naka-display sa Malacañang. Ito ay gawa sa Blaan beads at T’Boli Tnalak cloth.
Si Raborar na tinaguriang Prince of T’nalak Couture ang nagdesinyo sa parol na may konseptong dreamcatcher.
Katuwang nito sa paggawa ang mga Persons Deprived of Liberty o PDL sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center at BJMP Koronadal.
Inihayag ni Raborar na sa pag-produce ng replicas, matutulungan din ang mga PDL na magkaroon ng pagkakakitaan.
Bilang grand winner, nakatanggap ang South Cotabato ng P 500,000 na.
