DTI So.Cot, pinayuhan ang mga consumers na bumili sa mga physical stores sa halip na sa online

KORONADAL CITY- UPANG hindi maperwisyo at masayang ang pera, bumili na lamang sa mga physical stores sa halip na sa online.

Ito ang payo ni Senior Trade and Industry Development Specialist Elbert Capecio ng Department of Trade and Industry o DTI South Cotabato sa mga consumers.

Ayon kay Capecio na mas mainam kung aktwal na makikita at mahahawakan ang binibiling mga produkto upang ito ay masuri ng mabuti at masigurong hindi depektibo.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Inihayag ni Capecio na hindi pa nailalatag ng maayos ang mga polisiya at sistema sa online selling kung kayat mainam pa rin na bumili sa mga physical stores.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ngunit sa mga mahilig sa online shopping katulad ng Shopee at Lazada, inihayag ng opisyal na kailangan muna ng mga itong suriin na legit ang seller at online store at i-check ang mga reviews ng customers.

Samantala, ang mga may reklamo sa kanilang nabiling produkto online ay maaaring dumulog sa pinakamalapit na tanggapan ng DTI.