Pagdedeklara ng Alert Level 1 sa buong bansa, hindi pa napapanahon ayon kay Duque

Naniniwala si Health Secretary Francisco Duque III na hindi pa napapanahon para mag-de-escalate ang buong bansa sa Alert Level 1.

Ipinaliwanag ni Duque na marami pang lugar sa bansa ang hindi naabot ang metrics na itinakda ng Inter-Agency Task Force.

Inihayag ito ni Duque kasunod ng proposal ng National Economic Development Authority (NEDA) na maisailalim na ang buong bansa sa Alert Level 1 at mabuksan ang lahat ng paaralan para sa face-to-face classes.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Layon ng panukala ng NEDA na mapalawig ang domestic economy at ma-offset ang global risk.

Nilinaw naman ni Duque na ayaw rin ng gobyerno sa malawakang lockdowns dahil nagiging dagok ito sa ekonomiya.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Pero ayon kay Duque posibleng mawaldas lamang ang napagtagumpayan ng bansa laban sa COVID-19 pandemic kung ipatutupad kaagad ang Alert Level 1 sa lahat ng lugar kabilang na ang mga hindi pa nakakaabot sa revised parameters ng IATF para sa deescalation.