Nanawagan si Energy Secretary Alfonso Cusi sa mga consumers na tumulong sa pagtitipid ng mga produktong petrolyo sa gitna ng inaasahan na patuloy na pagsipa ng mga presyo nito dahil sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Sinabi ni Cusi na walang kontrol ang bansa sa presyuhan ng langis sa world market, ngunit pwede naman natin makontrol ang ilang bagay tulad ng pagbabawas ng ating mga byahe.
Dagdag ng kalihim, sakaling bumaba ang demand sa langis dahil sa pagtitipid ng consumers ay maaring mapilitan ang mga kompanya na mag-regulate ng sarili nilang presyuhan.
Matatandaan na inimplementa ng mga kompanya ng langis ngayong linggo ang pinakamataas na price hike sa mga produktong petrolyo ngayong taon.
