Pagdami ng bilang ng mga naninigarilyo ikinababahala ng PHO

CAMARINES NORTE – Nababahala ang Provincial Health Office sa pagdami ng mga naninigarilyo lalo na sa hanay ng mga kababaihan.

Sinabi sa Brigada News FM Daet ni Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na nagiging sanhi ang paninigarilyo ng napakaraming sakit partikular sa respiratory system hindi lang sa mismong naninigarilyo kundi maging sa mga taong nakapaligid sa kaniya.

Binigyang diin ni Francisco na dapat maintindihan ng mga naninigarilyo na kahit na ang mga inosente ay nanganganib kapag na- expose sa usok nito kaya hanggat maaari  umano ay itigil na ang paninigarilyo.

Matatandaan na sa inilabas na datos ng ahensiya umaabot sa kabuuang 51, 347 sa 230, 383 na eligible population ang naninigarilyo sa Camarines Norte noong 2023.

Sa bilang na ito nasa 37, 557 kalalakihan ang naninigarilyo habang mayroon namang 13, 790 na kababaihan.

Sa May 31 ay inoobserba ang World No Tobacco Day na layong lumikha ng kamalayan hinggil sa panganib sa kalusugan na hatid ng paninigarilyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *