Lalaki sa Amerika, pineke ang kanyang death certificate para makaiwas sa sustento sa misis

Nang dahil sa obligasyon sa pamilya gumawa ng fake death certificate si Jesse Kipf.

Ayon sa mga otoridad, inamin ni Kipf na napasok niya ang death registry system ng Hawaii noong January 2023.

Read More:  Zamboanga tricycle driver returns bag containing ₱800,000

Ginawa umano ito ni Kipf para palabasin na patay na siya upang makaiwas sa pagbabayad ng mahigit US$100,000 o PHP5,649,100 bilang child support sa ina ng kanyang anak.

Read More:  Zamboanga tricycle driver returns bag containing ₱800,000

Nahaharap ngayon si Kipf sa parusang pagkakakulong ng pitong taon dahil sa kanyang ginawang krimen.