NAGA CITY- Hindi pa nakikita ng Bicol Central Station ang pagdagsa ng mga pasahero mula at patungo sa Maynila ngayong paparating na pasko kahit na nga isinailalim na sa Alert Level 2 ang buong bansa.
Ito ay ayon kay Terminal Manager Nonoy Reforsado sa naging panayam ng Brigada News FM Naga. Aniya kahit na nga lumuwag na ang quarantine classification, hindi na rin mabigat ang mga hinihinging requirements sa pag-alis at pagbalik ng Bicol Region kontrolado parin ang bilang ng pasahero dahil kontralado ang bilang mga mga maaaring bumiyahe o ang mga may special permit.
Ngayon 12 na ang unit ng bus na may special permit ang pumapasada araw-araw rutang terminal pa Maynila ay pabalik. Nadagdagan man mula sa isa, tatlo at anim malayo pa rin ito sa 200 bawat araw bago ang pandemya. Kung kaya naniniwala si Reforsado na manageable ang magiging bilang ng paalis at dumarating sa terminal na sa lungsod ng Naga.