CAMARINES NORTE- Sinimulan na ang pag uusap kamakailan ng Department of Education at Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte ang hinggil sa muling pag bubukas ng Binatagan Elementary School.
Dumalo sa naturang pag- uusap si Schools Division Superintendent Nympha Guemo at iba pang mga opisyal ng DepEd gayundin ang LGU at Barangay officials.
Dati na umanong mayroong Elementary School sa naturang barangay noong dekada “80” pero sinunog ng armadong grupo.
Mula noon ay wala na umanong nagtangka na muling itayo ang eskwelahan.
Kung maalala ay nagpasa ng isang resolusyon ang Sangguniang Bayan na humihiling sa DepEd na muling maitayo ang naturang eskwelahan.
Natatangi kasi ang Binatagan sa 29 na barangay sa naturang bayan na walang Elementary School kaya’t nahihirapan ang mga bata.
Mayroon namang available parcel of land ang LGU sa naturang barangay na “ideal” umano para pagtayuan ng elementary school.
Bukod dito mayroon din umanong pondo ang LGU para sa pagpapatayo ng school building na kailangan sa inisyal na operation nito.
Photo courtesy: Mayor Adrian Davoco
